"Female"
Nakakalungkot dahil nawawala ang mga pagkakataon kong matuto kapag hindi ako ang gumagawa ng mga bagay bagay dahil delikado para sa isang babae iyon pero naiintindihan ko naman na may mga bagay na itinakda ang lipunan na hindi na maaaring baguhin. At naiintindihan ko rin na para sa kaligtasan ko rin naman iyon pero..
Minsan napapaisip ako kung karapatdapat ba ako sa isang bagay na hindi ko maibigay ng buo ang sarili ko at hindi ko magampanan ng lubusan dahil lamang sa babae ako.
Hindi ko lubos akalain na sa modernong panahon ay may mga balakid pa pala sa pagitan ng magkaibang kasarian na tulad nito. Pero hindi naman ako magmumukmok at magpapatalo. Hindi ako lalaban sa paraang makikipagsabayan sa mga kalalakihan. Nirerespeto ko ang kakayahan nila pero hahanapin ko ang isang aspeto kung saan alam kong mangunguna ako dahil kabaro ko si Eba.
Gayunpaman nagpapasalamat ako at lubos akong pinagpala dahil napasama ako sa isang hanep na grupo, ibang klase ang samahan. Hindi perpekto pero masaya.